Basics of Job Application

I've been a Recruitment Interviewer for quite a long time as always I am expecting na everytime mag aapply ang isang tao at least nakapag prepare siya kahit overnight lang. But for more than 3yrs of conducting interviews marami pa din ang sablay unang entrada pa lang. Minsan nakakatawa, minsan nakakainis. I'll just discuss yung mga basics na madalas ma-miss ng madami kaya di sila nakukuha sa inapplyan work nila.

1. Common Sense - of course this is the most important item to bring. You're applying for a job, presence of mind is important. Minsan kasi may mga applicant na lutang, na mukhang walang tulog, walang kain o wala sa sarili at di nila alam kung anong ginagawa nila sa Recruitment area kung bakit sila nila nandun. Pagtinanong mo kung anong position ang ina aapplyan ang isasagot sayo "Heheh" adik lang. At eto pa malala, yung iba may kasama pang either spokesperson o interpreter niya, pag tinanong mo lilingon sa kasama niya at yung kasama ang sasagot, kaya di ko sure minsan kung sino ba talaga ang nag aapply sa kanila. Tip lang, dapat bago pumunta sa job application prepare, matulog ng maaga, kumain at be attentive.

2. Resume - as usual saan ka naman nakakita ng nag aapply ng walang resume, unless ibang work inaapplyan mo yung tipo demo o sabak kaagad. Make sure na accurate and updated ang resume when you apply, hindi yung last data is from 19 kopong kopong pa ang nandun at di na nilagay yung recent information. At please lang sana ikaw mismo ang gumawa ng resume mo at hindi ibang tao. Para pag tinanong ka about sa contents ng resume mo alam mo isasagot mo, hindi yung parang gulat na gulat ka sa mga tanong sayo. Kung di mo alam gumawa ng resume, pwede kang mag copy ng format online, GMG (Google Mo Gurl). Spend time in creating a good resume, it speaks about you. At isa pa, WAG NA WAG kang magsa submit ng tinupi tupi, lukot lukot o gutay gutay na resume na binunot mo pa sa back pocket ng pants mo. Utang na loob naman. Again resume represents YOU.

3.  Pen - when I was looking for a job before and that was more than 8yrs ago lagi akong may dalang pen, at least 2pcs. I always have it because ina assume ko na pipirma ako ng contract, may mga documents akong kelangan ifill-out, etc at nakakahiyang humiram sa iba. Meron pa kong tinatawag na Lucky Pen noon. Until now ganun pa din ako, kahit may cellphone ako na pwedeng dun ko I-note yung info, iba pa din yung isusulat.

4. ID - kahit anong ID ok na pero mas maganda kung government issued ID. Minsan kasi yung mga Recruitment Hub nagre rent sa ibang building. So bago ka makaayat sa kanila kelangan mong kumuha ng ID Pass sa entrance or guard at kelangan mo ng ID for that. At requirement din yun minsan sa work na imapplyan mo.

So ayan na ang mga essentials when you're applying for a Job. Hope it will help you. TA TA!

Popular posts from this blog

Nakapag Pa Graduate na Si Nanay... ng Kinder

Incomplete - Alanis Morissette